Project: Itineray for our CDO trip

Isa pala sa mga pinakamahirap na bagay bukod sa pagtakbo ng 21 kilometers ay ang pagawa ng Itinerary!

Noong Lunes nalaman na namin na karamihan sa classmates namin noong college ay hindi na makakasama sa aming scheduled Cagayan De Oro trip. From 10+ hanggang maging apat na lang kami, ANYARE? haha. Marahil ang iba ay natatakot sa mga nakaraang bombahang naganap kaya hindi sumama at ang iba naman ay di napayagang lumiban sa kani-kanilang mga trabaho. Gayun pa man hindi kami matitinag sa pagpunta. Lord protect us from you know what it is! -.- Kahit ako mismo ay natatakot pumunta pero nahigitan pa din yung takot ko ng excitement dahil first time kong magka-camiguin (pinush ko eh) at nabitin ako sa last rafting experience ko.

Dahil nangaling na ako sa CDO last year, automatic ako na ang gumawa ng itinerary kahit never pa talaga kong nakagawa nun. Dahil sa pressure nagawa ko ang itinerary sa loob ng dalawang araw WITH katakot takot na stress lang naman!

Kinahapunan ng Martes ko sinimulan ang paggawa. 2 hours na kong nasa computer wala pa ding laman ang excel sheet ko kaya nag decide muna akong matulog. Pero dahil sa pagkainis at pag-aalala hindi rin ako nakatulog at bumangon para gawin ulit yung bwisit na itinerary na yan. Dahil apat lang kami nahirapan akong gumawa nang itinerary na affordable at hindi magiging masakit sa bulsa. Isa pang nagpahirap ay 3 days lang kami magstay sa CDO. 1st day camiguin, 2nd day CDO, third day literal na uuwi lang pa-manila. So, isipin mo na lang kung anong estimations ang ginawa ko matupad lang ang Camiguin-CDO namin. Wasakan ng katawan yung itinerary kasi malayo talaga (3-4 hrs travel) yung Camiguin mula sa CDO airport and mag feferry pa from port.

Noong nakakita na ko ng potential tour guide sa camiguin, potential hotel accomodation dali dali na kong nagpaload at tinawagan isa isa yung mga contact numbers nila. Mabuti di kami naubusan ng accomodations at lahat nagrespond sa mga tawag ko. Isa pa di required ang mag deposit ng down payment. Laking ginhawa!

Natapos ko ang camiguin trip namin nung gabi ding iyun at nagawa ko na din ang day 2 -CDO  kinabukasan. Ang masasabi ko lang nung moment na natapos ko yung itinerary namin ay sobrang saya ko! Sobrang natanggal yung stress sa katawan ko! Hiling ko nga lang ay sana hindi magkadelaydelay ang events para masunod lahat ng ginawa ko.

From almost 6k napababa ko nang less than 4k ang gastos namin for transpo, accomodation and activities! YEHEY! Apat lang kami nyan ha! -feeling proud

Ito na ang nagawa kong itinerary ng CDO-CAMIGUIN 🙂

Di na kami magaattempt mag commute papunta at pabalik ng CDO dahil hassle 🙂 better talaga mag rent

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s