Ang hirap mo Mt. Daraitan!

Mahilig talaga kong sumabak sa mga bagay na alam kong machachallenge ang liksi at lakas ko. Kaya naman kahit nangaling ako sa night shift pinilit ko pa ding sumama sa pagakyat sa Mt. Daraitan.

Habang papunta kami sa Tanay Rizal kung san kami susunduin ng maghahatid samin sa Mt.Daraitan nagtravel kami ng almost 2hrs? papuntang tanay sakay ng jeep. Medyo uminit na ung ulo ko nun, iritable sobra. kasi ang tagal ng byahe @.@ tapos ang init pa. BV agad umpisa pa lang!

Pagkatapos maglunch sa Tanay, nilibot naman kami nung tryc driver dun sa Calinawan cave kung saan daw nag taping yung dyesabel  at Juan dela cruz. Medyo sinira lang naman ng mga networks na yan ung natural beuty nung cave kasi puro pintura ung mga rock formations. HAYST!

Mga bandang ala-una kami dumating sa Daraitan. Una nagbayad kami ng registration fee na 500 at tricycle na 700!!! OMG ang mahal eh dalawa pa naman ung inarkila namin so 1400 @.@ kalula. So Ayun na nga naghire din kami ng guide kasi lahat kami first time dun.

Like nung first climb namin we also started our journey with a prayer para may guidance kami. So ayun na nagstart na kami, masaya naman nung umpisa hindi naman ako masyadong nalula nung sinabing 4hrs yung trek pero habang tumatagal pahirap ng pahirap yung dinadaanan namin dahilan kung bakit ako nagkasugat sugat. Dumaan kami sa isang bundok pagkatapos dumaan naman sa matatas na damuhan, sobrang kati! @.@ may warmer naman ako pero nung umpisa nung trek nakakairita kasi sya kaya di ko sinuot ng maayos.

Balik sa kwentong trek. After dumaan sa grassy area umakyat na kami ng Mt. Daraitan. Wala pa kaming 1/4 ng pagakyat inulan naman kami ng malakas sobrang nakadagdag pahirap kasi ang dulas dulas na ng mga dadaanan, sobrang nabasa din yung gamit ko. Ang akala ko pa naman water proof yung nabili kong bag pero hindi pala hayst!

SObrang hirap niya paakyat kasi gagamitin mo talaga yung flexibility skills mo. Yung last na akyat namin sa romelo paa lang gamit namin ok na pero ito ginamit namin both hands. MAJOR MAJOR climb pala ito! ANg basa at nakalagay sa mga blog Minor climb lang! jusko po. Sobrang sakit ng mga punong may torns di xa halata eh kaya aaray ka na lang pag hinawakan mo @.@ kasumpa sumpa talaga yung trek pasummit pero nung nandun na kami Thanks Lord talaga! safe kami lahat. Medyo nagaalala pa nga kami kasi yung next na grupo samin eh may kasamang mga babae KAWAWA talaga!! Buti na lang din at hindi sumama yung mga kachorale kong babae kundi baka hindi na sila umulit mag climb.

So nung nandun na kami sa tuktok wala pala xang clear na pwedeng pagtayuan ng mga tent. so nagputol pa ng mga maliliit na puno yung guide namin para makapagtayo kami. Natulog muna ko ng konti while yung iba eh naghahanda ng dinner namin. sobrang pagod na pagod talaga ko, buti na lang din galing ako sa training last week so yung tuhod at legs ko good for climb kaya medyo ok naman ako.

Maaga kaming natulog kasi nga sobrang pagod, di na namin nainom yung binili naming alak ehehe. medyo hindi nga din ako nakatulog dahil sa mga naghihilik! jusko sarap ilabas ng tent ahahaha..

Mga bandang 4:30am kami gumising. OMG sea of clouds nga! sobrang worth it pero sobrang nanaig pa din yung pagod sa katawan ko. Amazing kasi nasa top pa kami ng ulap grabe lang ang taas ng inakyat namin.

Nagmadali din kaming bumaba, after breakfast ng 6am we started packing up our belongings. Another 4hrs pababa na naman ang trek pero ang baba na namin sa river na daw. Madali naman yung pagbaba pero ayoko talaga yung part na dadaan kami sa grass na matataas kasi sobrang sakit isipin mo 1 hr kang ganun.. OH MEN!!!

Yung stress level ko talaga umangat ng todo. sa lahat nga activities na ginawa ko either sa unang hike or sa pagtakbo ng 21 kilomters dito talaga ko sobrang na stress. yung gusto mo ng umiyak kasi pagod na pagod ka na (T.T) Nawrong decision ata ako sa pagsama. Nakagat pa ko ng i inch long na ANT! sobrang sakit =\

After nung trek pababa, finally nakita na namin si River. Pero bago ka makapunta ng river mag rock climbing naman. Kotang kota na talaga kami sa pagakyat ng bundok lahat na pina experience samin nitong Mt. Daraitan trip.
Nung medyo matatapos na kami sa rock climbing, oh WOW! Sobrang Breath taking ng scene! sobrang ganda ng river tas may rock formations na nakapaligid! Sulit na sulit lahat ng pagod.

After maligo ng caving naman kami! walang kapaguran ahahaha sobrang fresh ng tubig inside nung cave so pwedeng inumin! Ang sarap!

All in all masaya naman ako ahahaha (Showbiz) sobrang nastress lang talaga ko dahil hindi ko ineexpect yung ganun kahirap. pang PRO na yun eh saka di talaga kami prepared. Mabuti na lang lahat kami safe at may baong bagong kwento sa friends namin.
Sabi nung guide namin pang walo pa lang daw kaming nagsummit! what an achievement. 🙂

Ascent to Mt. Daraitan

Ascent to Mt. Daraitan

Where the injury came from

Where the injury came from

Madamo Area

Madamo Area

Supplychain mountaineers

Supplychain mountaineers

Sea of clouds

Sea of clouds

At the summit

At the summit

Supplychain Bundokeros

Supplychain Bundokeros

calinawan cave

calinawan cave

Ad for Summit haha

Ad for Summit haha

Mineral water bath

Mineral water bath

Photo credits to Thomas Soler 🙂 Thanks!

Advertisements

5 thoughts on “Ang hirap mo Mt. Daraitan!

  1. buhay pa pala watawat namin kulay orange papaltan yan namin ilalagay na namin sa center ng bundok para kita hangang sampalok… meron na nga palang certificate of climb naibibigay ang barangay pag na conquer ang summit ng daraitan… sir paki add na lang ako sa facebook if gusto nyo bumalik sa daraitan… christian_ds_javier@yahoo.com marami pa dyan na di nyo napupuntahan….

    • Wow Sir kayo pala naglagay nun!! Ang galing nyo naman! Ang hirap ng trek AHAHAH

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s