Thanks, March 2013.

Sa sobrang dami nang magagandang nangyayare sa buhay ko ngayon hindi ko alam kung kakayanin ko bang maharap sa isang mahirap and emotionally challenging na sitwasyon. Sobrang naging tuloy tuloy lang ang blessing pagkapasok ng taong 2013 sakin. Wala ata akong matandaang na badtrip ako ng todo mula January. Good vibes all the way.

ikwekwento ko ang mga naging karanasan ko ng March dahil sa aking palagay nitong panahong ito, at last na experience ang worth ng lahat ng sacrifices, pagpupursigi at pagtatyaga sa lahat ng bagay na ginagawa ko.

1. Umakyat ng Mt. Romelo

Isa sa maituturing kong blessing ng sport ng running sa akin ang makapag trek ng effortless sa bundok. March 9 and 10 nung una kong gawin ang isa na namang first sa buhay ko. Masaya ako dahil ito talaga ang adventure na gusto ko. Alam ko sa sarili kong i was born to live in this kind of way, yung active sa sports, yung maranasan yung hindi gustong subukan ng iba, yung mag excel man lang kahit papaano sa mga bagay na gusto kong gawin.

Apat na falls ang dinatnan ko sa Mt. Romelo, sobrang ang linis at ang ganda. Masaya ko kasi matitinong tao ang karamihan sa mga mountaineers at mapagbigay pa. Ilang beses nga akong naalok ng lambanog at emperador ng ilan 🙂

Sana mag tuloy tuloy na tong adventure na ito. kagaya sa pagtakbo goal kong makapag full marathon o 42k, sa pag akyat naman ng bundok; gusto kong iconquer ang Mt. Pulag sa Benguet. Nararamdaman ko talaga sa puso ko mangyayare pareho this yr or sa 2014.

2. Promoted

Marahil ang ilan sa babasa ng blog na ito ay alam ang mga pinagdaanan ko sa nakalipas na taon regarding sa work ko at alam ko matutuwa kayo sa balitang ito. Friends, im proud to say na na-promote na ako. Family ko lang at dalawang kaibigan ang pinagsabihan ko dahil ayokong isipin ng iba na nagyayabang ako. Isa itong moment na dapat icelebrate sa tamang panahon, i think i need to prove na karapatdapat lang talaga ang naging pasya nila. Dapat may consistency.

Nagulat ako pero alam ko plinano ni God ang mga nangyare para mag end up ako sa kung ano mang naachieve ko. Salamat sa lahat ng tumulong, nanalo tayo!

PS. wag po kayong magpapalibre. magkukusa naman ako =))

3. Nawalan at Naibalik na Phone

Pumunta ako sa Sm Baliwag para mamili ng aking isusuot sa Coron. Habang tumitingin ako ng mga shades at sanay magcocompute ng aking gagastuhin, nagulat ako wala na ang aking phone. Nagmadali ako sa fitting room para hanapin ang naiwan kong phone ngunit wala na doon. May napansin akong dalawang teenagers na nakatingin sakin. I know may meaning iyon kaya nagtanung ako. Dali-dali naman nila saking sinabi na kinuha ng isang sales lady ang phone ko.

Inapproach ko lahat ng malapit sa fitting room at sinabi nila na naiforward na sa office nila ang phone ko at ibabalik na maya maya. Hinanap ko ang babaeng nakakuha ng phone ko at nagpasalamat, ‘Good job’ ang sabi ko. Hanga ako sa honesty ng taong ito, hindi naman kagandahan yung phone ko para nakawin pero maibebenta pa din naman yun ngunit di nya ginawa. Naisip kong picturan din ang babae kagaya ng isa pang sales lady ng SM na kamakailan lang ay naging viral sa FB dahil sa pagbabalik ng isang libo sa isang customer. Umani iyun ng 200,000+ likes nung makita ko. Hindi ko na lang ginaya bagkos sinulat ko sa customer service feedback kung gaano ako humanga sa naging respond nila sa nangyare. I hope mapromote din yung sales lady na iyun.

Ang lesson ko talaga dito ay pag gumawa ka ng mabuti sa kapwa mo gagawan ka din ng mabuti ng kapwa mo. HAHA tama ba!? basta ayon

SALAMAT Ms. Joanne 🙂 bilang pagpapasalamat ko pala bumili ako sa assigned clothing line nya ng isang polo!

4. Experienced Coron

oh alam mo na? ahahah pakibasa na lang yung “The Coron Experience Day 1 -5”

Sobrang blessed ko! masasabi kong nagiging stable na ang lahat para sakin. I think time ko na para maginvest naman para sa future ko. Business? Work Abroad? Si Lord na ang bahala!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s