The Coron Experience: Day 5

Aaauuugh Goodbye Coron!

Umalis kami ng Panlaitan ng 1 am. May mga bagong bisita sila Ate Aubrey at Ate her mostly Workmates, sumabay na din sila sa paghatid sakin para makalibot na agad sa Coron. Mahaba ang naging byahe dahil medyo may kaliitan ang ginamit namin pan-laot at hindi directly proportional sa way namin ang hangin dahilan para bumyahe kami ng mahigit apat na oras.

Hindi ako nakatulog sa bangka, medyo kinakabahan kasi ako na baka may mangyare habang naglalakbay kami, Ako pa naman yung tao na sobrang wild magisip. 9am close na ang pag-check in buti na lang before 7am nasa Coron na ako. May binigay saking contact number yung tourist office at yun ang sumundo sakin sa Coron. 7:30am daw kami aalis at dahil dun nagpaalam akong umalis sandali. Bumili ako ng mga pasalubong para sa officemates at sa family.

UMPISA NA NANG NAKAKABALIW NA TAGPO.

Habang namimili ako sinisilip silip ko yung Van na sasakyan ko. After kong mag bayad nagulat na lang ako biglang umalis yung VAN kasama ang lahat ng gamit ko. Medyo malayo na ang natakbo ng VAN mga 700 meters na at halos lumipad ako sa pagtakbo para mahabol ang van, sumisigaw, at nangangambang hindi na makauwi ng Manila. Sobrang bilis ng pagtakbo ko pero di ko pa din kayang abutan yung VAN. Hanggang sa may Tricycle na padaan at nagmakaawa akong habulin namin yung VAN. Amazing race lang ang nagyare punyeta. Buti na lang at naabutan ko sya nakalimutan ko pang magpasalamat sa driver ng motor =/. Tinanung ko siya bakit nya ko inawan. Hinanap nya daw ako pero di nya ko nakita kaya nagdesisyon muna syang pumick-up ng ibang pasahero. babalikan naman daw ako. PERO KAHIT NA! Buti na lang at naabutan ko sya dahil 30 mins din ang pa airport kung babalikan nya ako malamang 8:30 na at baka sa pagcheck in naman ako magkaproblema.

Isipin mo na lang kung sayo nangyare yun baka maiyak ka na lang sa pader dahil hindi mo kakayaning takbuhin yun. Maswerte lang ako medyo maliit ang mga daan at nahabol ko pa. GRABE LANG!

USU TO MNL

USU TO MNL

First time ko mag plane alone at nakadating naman ako ng maaga sa Airport. Masaya ako kasi di ko na kinailangang mag bayad para sa ichecheck in ko na gamit ahehe kasi may free naman pala at 20 pesos lang yung terminal fee. habang sinusulat ko itong paragraph na ito ung pagtakbo ko pa din sa VAN naiisip ko. kakatroma may gulay.

Natuwa naman ako sa PAL express dahil sobrang on-time as in lumapag yung plane sakto kung anu nakalagay sa boarding pass ko. AMAZING! Medyo maliit yung plane at mahina yung aircon jusko! Ang nakakatawa pa kakaseat belt ko lang tas biglang sinabi lalapag na kami ng Manila. Sobrang bilis! epiko ang pagkabilis.

Yun na nga lumapag na din ako ng maaga sa NAIA. Uuwi pa sana ako sa bahay namin sa sampaloc kaso nabwisit ako sa taxi na sinakyan ko kaya dumeretso na lang ako sa office. sobrang antok ko nun at may jetlag kahit sandali lng naging travel ko. Medyo lutang din dahil feeling ko nasa bangka pa din ako.

End of may Coron experience na 🙂

Nainggit ka ba? nako dapat hindi 🙂 Lalo na kung naexperience mo yung siete picados na dinaanan lang namin. Magandang snorkeling sight kasi yun. Saka alam ko one day mae-experience mo din to, baka mas masaya at masaya pa. AHAHA

Nais ko lang magpasalamat kay Ate Her at Kay Ate Ate Aubs pati na din sa pamilya niya at kabaryo nila na sobrang naging friendly at inaccommodate talaga ako, nakasundo ko talaga lahat. Pati nadin kay Sophie at Sam na tahol ng tahol habang natutulog kami sa gabi dahil mukang may mga matang nakamasid na di namin nakikita. SCARY PUCHA!

Salamat sa Coron experience na ito. Will surely come back if may chance pa.

Boarding time! Flying alone

Boarding time! Flying alone

NOGNOG! grabe! nag daming nasayang na sabon at facial wash na naman ahahaha

Flying w/ Pal Express

Flying w/ Pal Express

-Don’t forget to hit like-
THANKS!

Advertisements

2 thoughts on “The Coron Experience: Day 5

    • oo ahaha nagamit ko talaga! kung ganun siguro ung takbo ko baka maka podium ako next time LOL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s