The Coron Experience: Day 1 and 2

BABALA!

Ang day 1, 2, 3, 4 at 5 ng ‘The Coron Experience’ ay nakakainggit. Biro lang!

Dahil  tinatamad akong mag type pagsasamahin ko na lang yung day 1 at 2 ko. Itong lakad na siguro na ito ang pinakaclue-less ako sa mangyayare, yung tipong niyaya lang ako at nagpakaladkad dahil ayaw kong magtrabaho sa holy week. Biro lang ulit. Pero totoo nga! maniwala ka, hindi ko talaga alam ang mga mangyayare at hahayaan ko na lang ang bawat moments  na dumating.

First day namin sumakay kami ng roro (Asean Journey). Medyo nashock ako ng konte dahil hindi ko inaakalang ganun pala ang itsura noon sa loob. Puno ng double deck, masikip at ang ventilation mo ay mismong hangin galing sa karagatan, medyo mainit din, lalo na tanghale kami bumyahe at katirikan pa ng araw. Sigurado akong iiyak ang maseselan, lalo na kung feel na feel mo yung init at tigas ng hihigaan mo. Buti na lang nagawa ko ng matulog sa batuhan sa bundok, medyo panis na yung matigas na higaan sa barko. Tumagal lang naman ng halos 20 hrs yung naging byahe, in short day 1 sa barko napunta. Mabuti na lang na enjoy ko ung sunset at yung madaming island na madadaanan habang papunta sa coron, kung hindi…………… HAHA

Kidding aside may fulfillment sa pagsakay sa roro. di ko nga lang maexplain pa ngayon pero may joy. Parang i’m doing my one of a kind adventure.

Asean Journey

Asean Journey


The situation inside Asean Journey

The situation inside Asean Journey


Sunset

Sunset

Day 2, lumapag na kami sa Coron at sinalubong kami ng mga bangka ng mga Bulalacao (surname yan at island name din sa Palawan). After naming sumakay sa bangka, sinadya namin yung Siete Picados at Macquinit. For the sake ng mga hindi pa nakakapunta yung Siete Picados ay diving sight na merong 7 small islands. Ang kwento daw don, 7 na magkakapatid na pasaway at nalunod, tapos naging Island. AMAZING! Syempre di na din namin natry yung pag snorkle kasi kakadating lang namin saka wala kaming mga gamit na dala. Malapit lang mula siete ay ang Macquinit, ito naman yung hotspring dun sa coron infairness mainit. jowk! May bayad na 150 per person dun sa macquinit pero dahil walang bantay nalibre kami =)) PEACE! Nagpicture lang naman kami ahehe sino namang magsiswimming sa hot spring ng summer, dba?

After ng konting pagiikot, nagtravel ulit kami ng 3hrs para pumunta sa lugar nila Ate Bulalacao, yung panlaitan. Medyo ginabi na din kami dahil 4pm na kami nakaalis sa Coron.

Ayan tapos na ang DAY 1 and 2 ko na ang point lang naman ay nagtravel kami nang halos dalawang araw sa laot. Alam ko hindi ka pa naiinggit dahil parang sakit lang ng katawan ang inabot ko pero… DAY 3, 4 and 5 ang abangan mo.

– Dont forget to hit Like. Thanks! –

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s