The Binondo Experience!

Kong hei fat choi! Siomai baboy!

Chinese new year na nga at nagpunta ko kahapon sa Binondo para makiparty sa mga Chinese. Di ko alam kung anung charm ang meron sa mga dancing dragon na ito pero nakaka-aliw talaga silang panuorin medyo naweirdohan lang ako biglang may ati atihan na nagtatatambol sa Binondo kahapon.

Matagal na kong nasa Manila mga 6 years na din since college pero never pa talaga ko napadpad sa lugar na ito. Galing pa akong Bulacan para makicelebrate at sumakay ako ng LRT 1 after mag bus. Buti na lang magaling akong makasense ng mga magpupunta sa China Town. Bumaba din ako sa Carriedo.

So una kong ginawa ay lumibot ng lumibot. Kala mo nasa lubas ako ng Luzon kung magpicture, turista lang ang dating? Ewan ko ba tingin ko kasi need ko din tong iblog.  Itong unang picture sa baba ay biglaan lol may dumaan lang na dancing dragon buti na lang umabot yung pagkuha sakin ng kaibigan ko, medyo nakangiwi pa ko.

Image

YES MORE DRAGONS! A green and an orange one! hay naalala ko na naman ang mga power rangers pero syempre wala namang orange na ranger diba? Last time chineck ko wala pa eh pero baka may mabalitaan kayo sabihin nyo lang sakin.

Image

So ito namang picture na ito ahmmmmm wala lang ahaha nagandahan lang ako kaya kinunan ko.  Kung di ako nagkakamali ay Hotel ito tas may KTV and stores din inside.

Image

Every Chinese new year dapat present sa hapagkainan ang Tikoy. Medyo nagre-invent na nga ang mga nagtitinda nito balita ko may Tea inspired tikoy na at kung ano anong weird flavors pa. Sana next time may vegetable inspired tikoy na din para Healthy living na talaga 🙂

Image

Ito namang Salazar, dito namimili ang mga tao ng mga tinapay! Obvious ba? Bakery nakalagay oh.  So kung pupunta kayo dito dapat dito kayo bumili (sana bayaran ako ng Salazar sa pagindorso ko sakanila) xe xe ahaha

Image

Siguro kung pumuti pa ko ng konti papasa na kong chinese no? Chinese na pringles ahahahha

Image

Image

Itong puting putuseko na to este cua pao na ito ay sobrang masarap. Actually ito lang ata ung pinaka coating ng mga siopao. Wala tong laman sa loob kala ko pa nung una WAPAO ito meaning WA-WALA… ok Corny ata :p

Image

Image

 Sana talaga swertehin tayo sa year of the Water Snake 🙂 Just always remember tayo pa din ang gumagawa ng ating kapalaran gabay lamang ito….??? ahahaha Zenaida Seva lang

Advertisements

3 thoughts on “The Binondo Experience!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s