Conquered the SKYWAY!

CONDURA SKYWAY MARATHON 2013

CONDURA SKYWAY MARATHON 2013

Yesterday, tinupad ko ang isa sa mga kahilingan ko na tumakbo sa skyway. Ito yung isang event na pinalagpas ko last year dahil malayo at wala akong kasama. Kala ko pa ay mapupurnada na naman ang pangarap kong makatakbo dito dahil palapit ng palapit ang registration end nung nakaparehistro kami. Isa pa, ako lang ata ang gusto mag 21k noon. Buti na lang sumabay ako magregister sa kaibigan ko na nahikayat syang mag 21k din.

Yung registration fee ng Condura is kinda costly pero inisip ko na lang mahal ang bayad nila sa skyway, makakpagtanim sila ng Mangroves na nakapangalan sakin at sobrang ganda ng shirt na ginawa nila for the event. Kagaya ng mga nauna kong half marathon halos araw araw ko ding pinaghandaan ang nalalapit na Condura. Dahil first time ng kasama ko lagi sa takbo na si Ate Jhoa na mag 21k, itrained her para makayanan nyang tapusin ang buong race. I promised her din na ipe-pace ko sya til’ 10th kilometer na hindi nangyare dahil iniwan ko na sila ng officemate nya sa 8th kilometer.. Sorry.. 🙂 Ang takbo kasi namin nuon ay 7.50-8 minutes per kilometer at kung gagawin ko un til 10km hindi ko na mabibeat ang PR ko.

Bago magstart ang Condura problemado talaga ako kung panu ako pupunta sa Alabang. 3:30am ang gunstart ko, so mga 1am dapat nasa cubao ako para maghanap ng bus na masasakyan? kawawa naman ako. Mabuti na lang nung minsan na mag FB ako Online ang 2nd cousin ko. At buti na lang pumayag ang Tita ko na dun ako magstay para mas malapit ako sa Alabang.

So iyun na nga hinatid din ako ng pinsan ko sa Filinvest kung san magstart ang race. Natuwa lang ako kasi sobrang new ng atmosphere, sobrang lahat ng tao good looking sakanilang suot na shirt na kasama sa binayaran nila at sobrang ganda ng event setting. So premier, so yaman ng dating!

Wave F ako at every 5 mins ang take-off  every waves. Lagpas  4am na nung nagumpisa kami at ang unang salubong ng skyway saming mga runners ay uphill. Kamusta naman! Thou yung totoo mani na sakin ung ganung klaseng elevation dahil sa killer uphills ng Corregidor International Marathon hindi pa rin talaga nawala yung challenge ng ruta. Syempre as support duties sa mga kaibigan ko, im giving tips kung panung hindi ma-overwhelm sa uphills. LOOK DOWN.

Sobrang saya ko talaga na nakatakbo ako sa skyway. Ni hindi ka nga makakaapak dun  kahit huminto ka para mag-toll fee diba.  Good Job talaga sa organizers at naisip nilang gawin tong event na ito.

Lagpas 20 races na ata ang natakbuhan ko pero ngayon lang ako nakakita ng mga Usherettes ng tubig na naka-mask. SO HYGENIC!. Grabe ang sosyal sosyal nang dating. SO PREMIER. May mga nakabantay na ding mga photographers para magtake ng pictures. Di ko nga alam ngayon kung panu ko hahagilapin ung pictures ko dahil 14,000 runners lang naman ang umattend sa event. Definetly all of us wants to help na magkaroon ng mas maraming Bakawan sa Zamboanga at especially makatakbo nga sa SKYWAY.

Dahil gusto kong mabeat ang PR ko i tried to add more speed sa takbo ko from 7.50 napababa ko sa 7.10 miutes per kilometer ang takbo ko. Gusto ko pa sanang ibaba sa 6+ kaso di na kinaya, naghope na lang ako na kahit papaano mabeat ko PR ko. Actually mabeat yung PR ng friend ko ahehe. So yun na nga binilisan ko na til’ finish kahit di na ko huminto sa ibang hydration stations mabeat ko lang ang record ko. Guess what 🙂

I maid it! alam ko hindi to magandang time dahil i already got 1hr 34 for a 16 kilometer, pero atleast i finished at 2hrs 29 mins! Na-achieve ko na ipace ang friends ko sa una at mabeat ang PR ko 🙂 THANKS GOD!

Ayon proud din ako kala Ate Jhoa at sa Officemate niya na si Mark dahil they finished 21k in 3hrs 12 mins. Mas mabilis silang natapos sakin compared sa time ko nung nasa Corregidor ako. Worthit lahat ng practice at pagpapalakas namin for the race.

I just want to congratulate all the finishers of this race 🙂 To the organizers and specially to the people of Sibugay na magbebenifit sa mga bagong mangroves na itatanim sa lugar nila.

I hope next year 20,000 na ang magjoin sa condura! 🙂

I'm with my former prof in Natural Science, She ran 21k WOW!

I’m with my former prof in Natural Science, She ran 21k WOW!


My race bib and medal

My race bib and medal


Oh my! A Condura Angel

Oh my! A Condura Angel

check race results here

http://conduraskywaymarathon.com/2013/race-result-2013/

http://www.pinoyfitness.com/2013/02/condura-skyway-marathon-2013-results-discussion/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s