P850.00 run

Ang mahal mahal pala talaga ng mga registration sa mga running event, pag nagcocompute ako tingin ko million million talaga ang kinikita nila.

Dahil malaki ang kita nila dapat lang naibigay nila, ng organizers ang magandang running experience sa mga sumuporta sa event.

Sa sobrang adik na mga runners ngayon halos every week talaga tatakbuhan nila, actually natin. Pero panu ka naman tatakbo sa lahat ng events na yun kung ang registration ay mahal diba. Sa halagang 800 – 1000 na run sa 21k tingin nyo ba sulit na ang singlet, bib, finisher’s shirt, medal? Kung OO baka nga. pero hindi lang ito ang binabayaran natin sa bawat takbo kasama dyan ang matinong route, guide or marshalls, at yung assurance na buhay tayong makakatapos bawat race. Yung kabuuan.

Kahapon tumakbo ako sa Enviro Run sa Tiendesitas Pasig. I had a great sleep, i arrived early at the place, i came pretty prepared for a 16k run. Then all of us started the race on time naman. Dahil ang ruta sa Tiende ay paikot ikot lang dapat kaming 16k runners ay makatatlong loop before running to the finish line. I was able to run fast even thou may uphills na kasama yung route which is good training for Condura. I finished the 2nd loop and run to the finish line, alam ko namang wala pang 16k ang tinakbo ko pero tumakbo ako papuntang finishline thinking na may uturn dun pero wala! Hindi sinabi ng mga marshalls ang tamang daan. WTF!. Yung ibang runners literal na nasa finishline na nuong nasabihan sila na kelangan pang umikot ng isa pa, xempre kung gusto mong mabeat ang PR mo mababadtrip ka ng todo dahil sayang ang time. Syempre we have no choice but to do the 3rd loop pero kahit ginawa namin un di pa din kami nagkaroon ng 16k exprience. Most of the runners ay may mga gadgets to track kung ganu na kalayo ang natatakbo. yung sakin it just ended at 15.3k grabe! naligaw pa ako nyan. Sabi nila halos mag fi-15k  lang angnatakbo nila. DO the organizers know how to organize a RUNNING event.. Runners ba sila????

After the run kuhanan na ng finishers shirt and to my surprise ang sabi nung nagbibigay, XL lahat ang shirts! WOW! THANK YOU!
Anung tingin nila sa mga tumatakbo bulky? sobrang palpak ng organizers knowing na tumawag tawag pa sila para magtanung kung anung shirtsize ang ok for each runner.
Ang daming dissapointed runners, wala pang race result discussion sa pinoyfitness at takbo.ph nagrant na ang mga runners registration details thread.

kung ganito ba naman ang magiging running experience mo tingin mo naka-850 ka?

Sobrang nalugian lang ako kasi ung hydration puro tubig! Puro tubig na nga lang nagkaroon pa ng shortage lalo na sa third loop. Makita kita namin ang daming galon sa finish line! WOW! Ang worst ng experience na ito kasi 5:30 nagstart ang race at medyo madami ng vehicles na nagdadaanan. Dapat ata Buwis buhay Running event ito. We never thought that this will be a run with cars, the hell talaga! Nalungkot lang ako di nakakuha ng finisher’s shirt yung mga kaibigan ko, swinerte lang ako medyo mabilis kong natapos yung race kundi isa ako sa maghahagilap sa organizers ngayon.

Yung totoo natuwa lang ako kasi nakapagtraining ako for Condura pero aside from that wala na kong nakitang matino sa event. Alam ko naman na mahirap magpatakbo pero ginusto nila yun at dapat ginawa nila yun with commitment. Ang sakit lang sa ulo ng nangyare. First time kong napamura dahil naligaw ako sa ruta.

This is my breakdown ng binayaran ko:
Route –                                                                           100
Hdyration – 2 liters lang siguro nainom ko –    50
Bib –                                                                                   30
Singlet –                                                                          120
XL finisher’s shirt –                                                    120
Medal –                                                                             30
Marshalls na walang kwenta –                              100
Total                                                                           = 600

AYAN DAPAT 600 lang yun! Tingin ko nga mahal pa din yan kasi dapat yung bwisit level na 300 ibawas ko pa…
I will never run on that event again nor the events na sila ang magoorganize.

What a danger it is for the runners

What a danger it is for the runners


Yung totoo sa takip talaga nang pitchel?

Yung totoo sa takip talaga nang pitchel?

Running With my Classmates

Running With my Classmates

My 16k Medal

My 16k Medal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s