IMAX, Lamig

Kung inaakala nyo na ang pinakamalamig na lugar sa Pilipinas ngayon ay sa Baguio, nagkakamali kayo. Actually nasa Quezon City lang xa, sa loob ng SM North Edsa.

Kahapon na experience ko ang tunay na lamig sa loob ng isang sinehan. Beware! tinalo nya ang lamig sa Baguio nuong una kong tapak sa bundok nito. Hindi ko alam kung dahil ba sa halaga ng sine kaya ganoon sila magbukas ng aircon.

First time ko sa IMAX! Totoo yan! Ang mahal mahal naman kasi, 401 pesos! eh baka tatlong movie na yun kung sa SM Baliwag ako manunuod. Mabalik sa kwento ko, di ako masyadong nakapagconcentrate sa panunuod ng Hobbit na hindi naman pala ganun ka-amazing sa 3D, dahil nga malamig. Maganda pa siguro ung Life of Cherry Pie este Life of PI in 3D. Mula sa simula hanggang natapos yung movie eh hindi ako mapakali, at ito pa halos magtatatlong oras yung Hobbit, promise talagang nasabi ko na sana matapos na yung movie, nagshishiver na kasi ako.

Nung nagkaroon ako ng pagkakataon, bumaba ako para mag-CR. oh alam mo na dba?? pupunta ko sa CR para magpainit. Kaso binigo ako ng CR ng IMAX, walang dryer! yun na lang sana ang way ko para mainitan man lang.

So lesson learned šŸ™‚ Next time kahit saan ako magpunta lagi dapat akong may dalang Jacket. Hindi natin alam baka ganito na ang weather buong taon! Ang saya lang nun dba? Yun nga lang mas tatagal ang paghihirap ng mga lamiging tao lalo na yung burden paliligo sa umaga.

Please IMAX sa SM North! Pakifan na lang next time yung aircon!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s