Dalawampu at isang kilometro

Rexona Run 2012
Happened last September 23,2012

Kahapon Setyembre 23, 2012 nangyari ang isa sa pinaka malaking achievement na natanggap ko sa pagtakbo. Ang pagtakbo ng dalwampo at isang kilometro ay hindi biro, ngunit dahil sa pagpupursigi sa pageensayo at yung willingness to conquer things that will surely end up with success… ginawa ko to.

Di ako tumakbo ng 21k sa Milo Marathon this year dahil tingin ko di ko pa kaya. Ang masasabi ko lang nasa proper timing ang pagexecute ng lahat 🙂 this time sa Rexona Men Run ko ito naisakatuparan. Malayo ang ruta mula MOA pa Roxas babalik muli sa MOA at dederetso haggang dulo ng Diosdado at muling babalik sa MOA. I had a proper breathing this time dahil siguro ang naging style ko kahapon ay tumakbo ng mabagal ngunit tuloy tuloy. Natakbo ko ang unang 10k ko ng hindi pa ako pagod. Sinasabi ko sa sarili ko na wala pa akong karapatang mapagod dahil may natitira pang 11 kilometers. Habang palayo ako ng palayo nararamdaman ko na ang tuhod at paa kong malapit ng bumigay. Naging motivation ko na lang yung nabasa kong qoutes kinagabihan, “DON’T GIVE UP, THE BEGINNING IS ALWAYS THE HARDEST” twing nababasa ko to ngayon lumalakas ang loob ko.

Sa huling tatlong kilometro ng marathon halos di na ko makatakbo, first time na naunang sumuko ng tuhod at paa ko sa race, ok pa din kasi ang breathing ko. I tried small runs kahit paunti unti, mapaganda lang kahit papano ang end time ko. Habang papalapit ako ng papalapit sa MOA puro thank you Lord na lang ang sinasabi ko. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang “you ran 20k” at isang kilometr na lang masasabi kong na outrun, i surpass myself.

Sa huling kilometrong iyon madami ng naghihintay na camera dahil ayokong makita sa mga litratong iyon na naglalakad ako pinilit ko pa din ang sarili kong tumakbo. Para akong pilay as in kahit feeling ko tumatakbo ko ay parang usual walk na lang ang dating. Then i cross the finish line!! At inabot sakin ang una kong medal na ang bigat!! parang slow-mo na lahat at sobrang saya ng puso ko! Masasabi kong naging malaking sugal sa health ko tong ginawa ko dahil bago magsimula ang race ay sobrang kinakabahan ako. Nagdala pa ako ng Health card incase ma ospital ako pero hindi binigay talaga sakin ni Lord ang chance na to! 🙂

Simula na to ng pangongolekta ng 21k finishers shirt at medal 🙂

I wanna thank my race bud Jing for scolding me while in the race ahahaha nakakahiya sa ibang runners pinapagalitan ako habang tumatakbo ahaha. I wanted to thank cloud 9 na nagdagdag ng sugar-in-take ko habang sumasakit ang tagiliran ko because of acid na din siguro. Salamat din sa batang inoutrun ako! bastos na bata yun 21k tapos nag bare-foot running pa! naiinis ako ahahaha. I wanted to thank my family as well na nakasupport lang and lastly kay God na ibinigay nya sa akin tong chance to run at makamit ung goal ko 🙂

Freebies and my Finisher's Medal

Nakakatuwa talaga na mas lumalaki pa ang running community! i saw  workmates on the road! First time 21k din. Congrats sakanila and to all race finishers.

Kindly like the fan page at FB of the following for pictures of 5k/21k relay/ and 21k Solo

-Pinoy Fitness
-Takbo.ph
-Running Photographers
-Spongebob runner

Race Results are in
http://www.digitalisthekillerapp.com/rexonarun/results/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s