Bingo baby!

Di ko alam kung panu ko eentrahan tong ipopost ko na to. Ang dami kasing lugar na pwede mong ma-experience ang jologs na larong ito. OO, jologs na nakakatawa at nakakasabik ang larong ito. May thrill at kakaba kabang feeling pag malapit mo ng mabuo yung pattern na nakalaan for a specific round. Ang tinutukoy kong laro ay ang di mawala walang sugal na BINGO.

Napa-post ako ng tungkol sa pagbibingo dahil ngayong araw na ito ay magpapabingo ang aming company! Ang isang susyal na US company ay magheheld ng pa-BINGO! kamusta naman! Pero napatunayan ko na kahit malaking kumpanya ito eh mga simple lang ang mga nagtratrabaho, which is i think na ang humble ng dating, walang arte, basta enjoy.:)

Ok! bakit nga ba may bingo ngayon dito, di naman siguro magpapalaro out of nowhere lang diba. Magpapabingo sila dahil lahat ng makakalap na pera ay ibibigay sa mga kasamahan namin sa trabaho na lubhang nasalanta ni habagat! ibang klase na talaga ang habagat ngayon nakikilevel sa bagyo. Sa halagang 50 pesos per card makakapaglaro na ako at magkakaroon pa nang pagkakataong maguwi ng tumataginting na T-shirt ng safeway, mug ng safeway at iba pang may tatak ng Safeway! Tingin ko tuloy kung anung paninda namin sa US yun din ang magiging premyo ngayon, pero so what diba atleast makakatulong pa din kami at i dont think nag eexpect ang mga tao dito ng cash prize dahil i think they had enough? ahaha yaman lang no! Ayon at may paraffle pang magaganap na ang prize ay Fossil watch. Not bad na dba.

Kahit saan talaga patok tong bingo. Nung bata pa ako sinama ako ng kasambahay namin sa isang bingguhan as in ung para kang nasa casino, pero low class. Ang hirap manalo, bawat card pa worth 50 above, sugal kung sugal. Madalas nung mga GS at HS days ko nagpapalaro ng bingo sa community namin. Medyo bongga na this time ang mga prize and ang natatandaan ko umabot pa sa 12,000 ang 1st prize. hindi man ako nanalo ng pera.. nanalo naman ako ng grocery as in solo kong nakuha out of 500? players. Medyo may pagkaselfish ako nung bata kasi ayokong bigyan ng mga can good mga relatives namin.. kakarampot lang naman din kasi ung grocery. Ang iba pa sa mga prize ay motor! gumaganung level pero lahat naman yun either galing sa sponsor, sa mayayaman naming ka-community or sa mga konsehal at mayor. Syempre nagpapalakas para maalala sa eleksyon hihi

Naglalaro din ako ng bingo sa perya kahit medyo maingay saka madaming tumitingin. you know naman! ahahah Never pa talaga akong nanalo sa peryahan kahit magpapalit-palit ako ng cards waley pa din. pero the experience, ahahah maka “the experience” kala mo naman 1M ang pinagtatalunan. Masaya lang kasi talaga bakit ba!

Di ko alam kung proper ba talaga na magsugal pag may patay thou hindi ka naman talaga sasawayin ng nakahiga na sa kabaong baka kasi naiingayan sila. Sa ganitong mga tagpo din hit at masarap maglaro ng bingo. Konting players at malamang family and relatives lang ang makakalaro mo.. extra bonding kung baga. Minsan ako yung nagsisigaw ng number.. kunwari sa lettrang “BE!” (syang basa syang sulat) channel 2 – hindi ibig sabihin nito ay ang numerong 2 talaga ang tinatawag ko kundi ang number 1. oha oha! kapamilya eh bakit ba! Meron naman iba medyo double meaning ang peg kunwari ung numerong 69, ang intro dapat dito ay “gustong gusto ng mag-asawa” WTF!!!! kung sino man nagpauso nito ma L ka! MALIKOT! May mga part talaga na medyo exciting na dahil madami na sa players ang namumuro. example

Tigatawag alyas BARKER: Sa letrang AY! (I) thirthyyyyyyyyyy… thirthyyyyyyyyy…..

Player1: thirthy 2!!!

Player2: thirthy 4!!!

Barker: Thirthy!!! 30 lang! ano ba kayo gang 30 lang ang AY! (I)

Diba funny! Meron pa minsan sa sobrang pag kaexcite napapasigaw na nang BINGO!!!! so dapat icheck ng mga barker diba.. bigla namang sasabihin nitong nagfifeeling na “NAGPAPRAKTIS LANG”. Ang bwisit lang no, dahil yung iba nakapagtanggal na ng mga tantos at mahirap ng balikan pa ung mga number unless tumigil muna ang lahat sa paglalaro.

Madami pa sana akong kwento tungkol sa bingo kaso nasa office pala ako at dapat nagfofocus ako sa pagcocode. Medyo masakit na kasi talaga ulo ko, nagkaroon na ata ng abs ung utak ko.

Pero konting disclaimer lang. Hindi po ako sugarol mas madalas may taga taya lang ako at ako ang taga laro nila. (dapat hanggang dito na lang ang post na to ngunit!!)

Sa nakikita nyo sa baba nakabuo ako ng x pattern sa larong binggo kanina before kong pinost ang post na ito ahaha redundant=) ang saya pala manalo kahit may kahati ako! Lagi na lang akong may kahati! Lalo na sa puso mo! BOOOOM! biro lang yan! At nanalo nga ako kapalit ang company tshit namin na hindi ko pa alam ang itsura. Ayun lang! TAPOS!

The winning card

I won and completed the X pattern!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s