Status: Teleserye na lang ang pahinga

WORK WORK WORK lang ang kaya kong gawin ngayon kasi naguuulan na naman. Di ako makapag jogging or maka pag-gym dahil masungit nga yung panahon. Tingin ko TV lang talaga ang pahinga ko at dahil naka regular shift ako ang panunuod lang ng mga teleserye ang libangan ko. WOW libangan talaga!

Parte na talaga ng buhay ng mga Pilipino ang panunuod ng mga teleserye. Ang mga bida nuong kabataan ko yang sina Juday, Rico Yan (rest in peace), Claudine na semi-wrestler na ngayon, Jericho Rosales, Kristine Hermosa atbp. Sila lang yung binanggit ko kasi parang sila lang naman yung tumatak sa isip ko. Mara Clara at Mula sa puso ata yung mga breakthrough teleserye nila nung panahon ko. Malimit kasi akong manuod ng channel 7 kasi ang maganda lang sa network nila ay mga cartoons ahaha pati Eat bulaga at SOP (ung pinalitan ng party pilipinas @.@).

Ibang klase din ako madala sa mga teleserye pag nanunuod ako. Minsan nahuhuli ko na lang ang sarili kong nakakunot ang nuo dahil either nawiwirdohan ako or naawa sa mga sinasapok sa mga eksena. Meron namang times na feeling mo mga 2 minutes ka ng hindi humihinga sa sobrang pagkadala sa mga sinaksak or pag may pinapasabog na bahay or kotse. Sinasabayan pa ung pag slow-mo ng mga kaganapan ahaha.

Sa mga horror teleserye naman tumatak talaga sakin ung Okatokat as in until now naaalal ko pa din ung character na nakakahinga sa tubig. ANG LUPET!

Tumatakbo pa ako sa kwarto ko at nagtatago sa mga pintuan sa sobrang takot, tapos meron pa yung kunwari magtatakip ng mata pero nakatingin naman talaga.

Pag action naman ang peg, natural nagbabarilan un at kung anu anung bagay ang pinagbababato :)) Minsan di mo maiiwasang mapailag din. Kung meron pang scene na mahuhulog sa building at mapapa-aray naman ako. yung totoo!!! ako ba yung artista???

Sa sobrang pagkahook ko sa mga teleserye nabuo ang “Primetime” yan ung barkada ko nung college na galing din sa section namin. Bukang bibig ko kasi kasi yung mga serye sa Primetime Bida. Eh sa di ka talaga makatayo sa sobrang lupet nung line-up!!! Iba din kasi pag ABS ang gumagawa ng teleserye parang di mo gugustuhing mahuli sa mga happenings!

Meron pa one time nasa computer lab kami at last airing day ng ‘Walang hanggan” for the sake of those na hindi alam teleserye to ni Coco Martin at Jake Cuenca. OK BALIK!. So yun na nga nirequest namin sa prof namin na umuwi ng mas maaga para maabutan namin, mabuti na lang mabait si prof at pumayag. YEHEY!

Minsan sa sobrang ganda ng storya sa ending sumasabit. Di ko alam kung ung mga writers tinamad na lang at gusto na lang magkaroon ng lite end nadidismaya tuloy ung mga nanunuod.

So ngaun ibang klase na ang mga teleserye. i think mas matalino na ang mga storya at mas magagaling ng nagagampanan ng mga newbees ang dapat ipahatid ng mga roles nila. Yun nga lang malalaman mo kung sino yong mga natural actors sa actors pero ok na din basta di sila ung lead kasi maiirita lang yung mga viewers dba.

Until now pag wala akong ginagawa nakatutok lang ako sa TV at nanunuod nitong mga makapigil hininga at minsan di makakatotohanang teleserye. I want to give credit sa mga magagaling nating mga directors. good job! gusto ko lahat ng mga on-going serye sa ABS. I’m really sorry sa 7 dahil nung nawala si Angel Locsin wala na kong napanuod na nakuha ako.

Ibang klase napatula ako : )))

Ang buhay madrama
Sa kiliti at sabik madaling makita
Ngunit bakit ang tao’y kapag bumibida
automatic dadating, may kontrabida

Ang buhay madrama
tatalon at iiyak ka sa saya
Ngunit bakit kapag dumating ang problema
guguho din bigla ang nakalipas na ligaya

Ang buhay madrama
dapat sumabay ka
hindi mo malay panalo ka na
susunod nasa MMK ka na

by: yours truly

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s