Lusong Pilipinas

August 8 ngayon at umuulan pa din, nagdeclare na nang Red alert sa buong Manila dahil 60% ay lubog na sa baha. Madaming tao sa labas ang lubog na ang mga bahay ..yung iba naman stranded.. yung iba hindi na alam kung papasok ba or hindi dahil di naman nagkacut ng pasok ang ibang private offices.

Siguro dun ako sa pangatlong mga tao maihahanay, gusto kong pumasok dahil concern ako sa mga nalalagas kong leave dahil madami akong plans ngayon taon na kailangan umabsent. Once I’ve set my mind on something panigurado gagawin ko yon and this time nakatoon ang isip ko sa pagpasok.

I’ve texted my manager, nagpaalam kung pwede akong mag 2nd shift (2pm – 10pm MNL) pumayag naman pero wag ko daw pilitin kung di naman kaya. Ako si Mr. Sugod this time kahit baha pa sa kanto namin pumasok pa din ako. Lumosong ako sa baha.. may pedicab akong nakita at inalok nya akong sumakay.

Ako: Kuya magkano gang legarda

Pedicab driver: 50 lang

Ako: ahhhhh ok maglalakad na lang ako

I opted to walk in the flood.. UST graduate naman ako so medyo i’m used to it na.. medyo kadiri pero naisip ko may alcohol naman ako na dala so makakapagdisinfect din ako in time. I took another route papuntang lRT staton xempre dun sa di masyadong baha.. nung makalayo na nagdecide na din akong magpedicab, bente pesos lang naman kasi ang ibibigay ko.

Nasa Legarda station na ko “there’s no turning back” ang nasa isip ko. Papuntang Ayala kelangan kong sumakay ng LRT 3 at lumipat sa LRT 1 then pa-buendia na yun.. hindi kasi passable si quiapo dahil baha yung underpass.

Nakarating ako ng office bandang 2:30… kung tutuusin mabilis ako dahil 30 minutes late lang ako diba. sinalubong ako ng ngiti ng isang familiar face… nasa bansa pala ang Vice President of human resource namin sa kumpanya… she asked am i ok .. i responed “I’m fine”..

Dahil sa pagbabaha nagdeclare ng BCP (business continuity plan) ang company namin.. ung ibang stranded pinag hotel and provided din ang food…. ang naranasan ko ung food ahehe medyo KKL (kanya kanyang luto) sa oven ng mga de lata provided din  ang kanin… parang ang sarap magstay sa office nuh??

Habang nagrereview ako ng mga codes dahil next week officially developer muna ko kinausap ako ng HR manager namin

HR Manager: oh Geof i saw your nme sa list kala ko di ka makakapasok

Me : Medyo lumusong po ako ahehe

after nito the VP approached me again

inabot ang kamay nya sa akin

VP: hello Im Michelle your VP HR

Me: Yes! HI! Im Geof (xempre i started the conversation para confident dating)

So when did you arrived? (tanung ko)

VP:Saturday afternoon before this (flooding) happened

Me: ohh ok (smiled)

VP: (may sinabi xa na sobrang overwhelm akong kinakausap nya ako na hindi ko naintindihan)

ME: YES (ahahahhaha napa yes na lang)

Senior in Company: So where do you live

ME: In Sampaloc

Senior: Its flooded there.. how come you came in the office

ME: I actually swam :))))

Senior: (laughs as well)

HR Manager: (she came telling the two that i joined the contest in our year end party)

VP: What did you sang? Are you willing to do that again this year

ME: I sang “the last time”, hmmmmmm I’m not sure about that (laughs)

Alam ko sobrang namumula na ko sa pagkaoverwhelm kaya di ko na maalis yung ngiti ko after nung interview session.. (back to work). Sobrang lakas ng ulan sa labas at 3pm pa lang pero sobrang dilim ng paligid.. NAKAKATAKOT!!!

Naisip ko bigla kung 10pm ako lalabas ng office no choice na ako kundi magstay  dahil ang tanging paraan lang para makauwi ako ay gumamit ng mga LRT… So nagpaalam ako kay manager na uuwi ako ng maaga para makapasok din ako ng maaga kinabukasan… may meeting kasi ako sa bago kong team as developer… So na-approve naman ang request ko at umuwi ako bandang 8 30pm

Same route LRT 1 then LRT 3 to Legarda station….. HETO NA!!!

bahang baha ang dinatnan ko madaming nagaalok na pedicab driver may nag approached sa akin

Pedicab driver: San ka?

Me: Cayco lang

Pedicab D. : Magkano ba binabayad mo

Me: Ung usual lang di ko alam pag baha

Pedicab D.: kuya bigyan mo na lang ako ng 100 kita mo naman kung ganu kahirap

ME: 100!!!!!! (“maglalakad na lang ako” in my mind)

I opted not to take the pedicab ride kahit kitang kita ko naman na baha… ang kuripot ko ba??? pero ang mahal naman talaga diba? balikan na yun from Bulacan to Manila

So habang naglalakad ako kumakanta na lang ako but deep inside gusto ko ng umiyak dahil bahang baha talaga knee deep lang naman pero ung pagod sa paglalakad ang nakaka T.T… Isang oras akong naglalakad at isang oras akong nagtatanung sa isip ko kung bakit ko ba nagawang tanggihan ang 100 pesos na pedicab ride… Atleast alam kong ako pa din pala to “may isang salita at may sariling disisyon”

Ngayon naka upo ako at tinatapos ang blog ko habang iniisip kung panu ko sasabihin sa manager ko na baka hindi ako makapasok dahil bahang baha ulit… @.@ madami akong natutunan today na matutunan lang ata pag nakalublob ka sa baha…

Sana matapos na ang delubyong ito .. ULAN ENOUGH  NA!!.. madami ng nasa evacuation centers at nagugutom swerte pa ko at may matinong nakakain pa ako at sila halos wala.. Let’s keep on praying!! lahat to pagsubok lang na malalagpasan din natin. I know ang mga Pilipino natuto na sa Ondoy!

Bahang baha

Bahang baha

**** i’ll add this to my Travel category :)))****

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s