Status: Nanlimahid dahil sa lisensya

Katibayan na bumuhos ang tao sa LTO

Katibayan na bumuhos ang tao sa LTO

Ito na ang araw na magagawa ko ang madalas bangitin sa akin na aking ama pag sya ay tatawag sa akin, ang pagkuha nang aking lisensya.

Gumising ako ng 7 am para ipaalam sa aking uncle na ready na akong pumunta sa LTO sya kasi ang sasama sa akin papunta duon. Dahil may ginagawa pa sya nakaalis na kami sa bustos ng 8am.

Pero bago un balak ko talagang wag maligo dahil feeling ko mabibilis ako ngaun sa pagkuha dahil ung lisensya na mismo ung babalikan ko dun hindi na ako pipila kung san mang window ng LTO pero naligo ako ung ulo ko lng ahahaha nagshampoo then facial wash para maayos ko ung buhok ko.

9:30 na noong dumating kami, shocking sobra ang daming tao maaga pa lang. So iyon ipinasa ko na ung temporary license ko na pasasaan din ay magiging tunay na lisensya na EXCITING DBA! ahaha.

“LOPEZ, GEOFREY sa window 4” aun mga 10 min pa lng after kung umupo natawag na, MAGANDANG SIGN mapapadali ang lakad namin.
“PUNTA KA SA WINDOW 8” then un nga nagpunta na ko sa window 8 dala ung binigay sakin ni MS. dun sa window 4. then naghintay uli ako pipicturan nman ako pagnatawag ulit.

aba 10:30 na hindi pa din ako tinatawag, bumubuhos pa sa dami ng tao ung LTO, iniwan ako sandali nang uncle ko at ni tita kc punta sila sa PAG-IBIG.. 11:10am nakabalik na sila at guess what hindi pa din ako natatawag, as in sa sobrang tagal ng paghihintay iniwan na nila ako ulit para ihatid pauwi si tita amp talaga mag isa na lng ako with all that init and kakabagot moments.. hmp… pero aun tiyaga lang xempwe.

Pagkamalas-malas nga naman 12pm LUNCH BREAK! OMG 1pm pa ang resume so naiwan ako sa LTO mag-isang kumakain huhuhu…. buti na lng may ibang empleyado na 30 min lng eh tapus na kumain napaaga ang pag resume ng work..

Dumaan ang lunch break hangang magaalas dos na hindi pa din ako tinatawag, dumating na din si uncle galing sa amin wala pa ding ngayayare. Sobrang sa loob loob ko nawala na ata ung papel ko natabunan na nung iba pang papel .bwisit kasi natapat pa ko sa napaka daming kumukuha ng student, non-prof at prof license pati ung mga nagrerenew! jusko po talaga. Naiiyak na nga ako kc ang init tapos nanlilimahid na ko sa pawis ewww talaga wala din kc akong nadalang panyo amp.

Ang lisensya isang prebilehiyo ang pagkakaroon nyan kaya naiintindihan ko na dapat tyagain ang pagkuha at paghihintay. All the people in LTO are so tired but they still wait because it is such a fulfillment pagnahawakan mu na ung lisensya mu.

back to my kwento aun na nga antagal tawagin imagine kanina pa akong 9:40am naghihintay mag-2pm at wala pa ding GEOFREY LOPEZ na tinatwag may LOPez nga hindi naman ako.
“LOPEZ, GEOFREY sa window 8” AUN! sa wakas natawag din mapipicturan na ko… ilang hours un ha! nag-antay lng na mapicturan. After nun hintay nanaman para kunin sa releasing area ung lisensya! aun na kalbaryo dumating na, nAghintay ako until 4pm hindi pa din ako tinatawag, sobrang nanlilimahid na ko , basang basa sa pawis! alam mu un gusto mu ng maligo dahil alam mu na ung amuy mu pero no choice ako kelngan talaga maghintay malaking problem pagnalingat ka’t tinawag ka, kaya ayun hintay ka pa din.

May kumausap sakin kasing age ko, nagtanung
xa kung what time ako dumating sabi ko 9:30 pareho daw kami pero sya hindi pa napipicturan GRABE!!! kung ako nainip na panu pa kaya sya dba. Ung mga tao sa paligid ko naaasar na kasi ambagal tapos ang init init pa tapos ung mga empliyado ng LTO parang ayaw pang magmadali dahil mag-gagabe n, asar!.

The long wait is over! mga 4:30 natawag na ako
WEEEEEEEEEEEEEW! ANG SAYA KO SOBRA lalo na nung nakita ko ung hinintay ko ng 8 hrs! b hrs imagine!!!!!! (fireworks) sa wakas may lisensya na ko naawa naman ako dun sa kausap ko kanina kc nung natapos ako hindi pa din ata xa napicturan =(. Basta aun may lisensya na ko makakagala na ko kung saan ko gustuhin at hindi na din ako kukulitin ni papa na kuhanin ung lisensya ko.

-geof

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s